AVERAGE COVID TESTING ‘DI APEKTADO SA PAGTIGIL NG RED CROSS

NANANATILING nasa maayos o stable ang mga isinasagawang COVID-19 testing ng gobyerno sa kabila ng pagtigil ng Phil. National Red Cross na magsagawa nito dahil sa halos P1 bilyong pisong pagkakautang sa kanila ng PhilHealth.

Aminado naman si Presidential spokesperson Harry Roque na napakalaking tulong ng 25% na kontribusyon ng PNRC Pagdating Sa COVID-19 testing.

Subalit, hindi aniya ito dapat ikabahala dahil mayroon na aniyang 114 RT-PCR laboratories at 35 licensed GeneXpert laboratories ang bansa na maaaring pumalit pansamantala sa PNRC.

Sinabi pa ni Sec. Roque na tapos na ang mga araw na nakadepende lamang ang bansa sa iisang testing facility.

Kung pagbabatayan naman aniya ang average testing ng bansa ay hindi ito bumababa sa mahigit 30,000 kada araw.

Binigyang diin ni Sec. Roque na pumalo na sa 4,187,385 ang mga sumailalim sa COVID-19 testing sa iba’t ibang lugar sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

165

Related posts

Leave a Comment