PAGKUMPUNI SA MGA SINIRA NI ‘ROLLY’ HINAHANAPAN NA NG PONDO

MAGHAHANAP ng pondo ang pamahalaan para kumpunihin ang mga nawasak na imprastraktura dahil sa pananalasa ng super Typhoon Rolly.

Sa inisyal na pagtataya, ang infrastructure damage ay nasa P5.6 billion kung saan mayorya ay naitala sa Bicol at Calabarzon.

Sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar na hindi kasama sa nasabing pigura ang damage sa Catanduanes, kung saan unang nag-landfall ang bagyong Rolly noong Linggo at siyang may pinakamatinding inabot na pinsala.

Nananatili namang bagsak ang telecommunication lines sa nasabing lalawigan.

“Majority” of the government and private buildings were believed to be destroyed,” ayon sa kalihim sa televised Cabinet meeting.

 

Lupa malapit sa Taal nabiyak

Sa kabilang dako, labis ang pagtataka ng mga residente ng isang barangay sa bayan ng Lemery, Batangas kung bakit nagkaroon ng tila mga sinkhole sa ilang bahagi ng kanilang lugar sa kasagsagan ng pag-ulan dahil sa bagyong Rolly.

Nang humupa ang super bagyo noong Lunes, nakita na lamang ng mga residente ng Sitio Ilaya, Brgy. Mataas Na Bayan ang malalaking hukay at mga bitak sa gitna ng kabukiran.

Ang ipinagtataka ng mga tagaroon ay wala namang katabing ilog o anomang mataas na lugar kundi ito ay nasa gitna ng kapatagan na basta na lamang lumubog.

Wala rin anilang bakas na may dumaang baha o anomang malaking anyo ng tubig dito.

Nakatakda namang suriin ng mga tauhan ng PhiVolcs ang lugar at alamin kung may kinalaman ang pagkakaron ng bitak at paglubog ng lupa sa nangyaring pagsabog ng bulkang Taal noong Enero.

Ang Lemery ay ilang kilometro lamang ang layo sa crater lake at sinasabing bahagi rin ng magma chamber ng nasabing bulkan. (CHRISTIAN DALE/NILOU DEL CARMEN)

240

Related posts

Leave a Comment