HINIHIKAYAT natin ang gobyerno na maglaan ng pondo para sa pagpapatayo ng mga permanente at disaster-resilient na evacuation centers.
Dahil sa panahon ngayon na nagtatalo para sa espasyo ang quarantine facilities at evacuation centers, ang pinakamalinaw na solusyon ay ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers.
Alam naman natin na ang bansa ay kadalasang nakakaranas ng malalakas na mga bagyo, kaya ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers kaysa sa mga make-shift ang dapat na pangunahing prayoridad.
Dapat nating harapin ang reyalidad na hindi bababa sa isang beses sa isang taon, nahaharap ang ating bansa sa sakuna na sukatan nang pangangailangan ng paglikas.
Sa mga nakalipas na panahon, ang edukasyon ay kailangang magkaroon ng backseat dahil maraming mga evacuation center ang naitayo sa mga paaralan.
Binigyang diin nitong Covid-19 pandemic ang pangangailangan para sa permanenteng evacuation centers, kasama ang quarantine facilities na kumuha ang puwang na karaniwang inu-okupa ng unang nabanggit.
Maging ang Department of Education ay sumusuko na sa isyu, sa panawagan nito sa gobyerno na huwag gamitin ang mga paaralan bilang quarantine facilities at mga evacuation center at the same time.
Nauna nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na kung may quarantine areas for COVID sa mga paaralan, tapos gagamitin din bilang evacuation center, hindi aniya ito makabubuti.
Ang pandemya ay nakakadagdag sa pressure upang balewalain ang dati at hindi makataong kasanayan sa paglalagay ng malaking bilang ng mga tao sa evacuation centers.
Hindi kailangang tumagal pa itong pandemya para mapagtanto lang natin ang mga panganib ng paglilikas sa mga tao tulad ng sardinas sa mga make-shift environments.
Pero narito na rin lang tayo, huwag nating gulatin ang pangangailangang tugunan ang isyung ito.
Itigil na natin ang pag-convert sa ating mga eskwelahan at basketball court. Magtayo na tayo ng pasilidad na kayang tagalan ang epekto ng sakuna, at isinasaisip ang kalusugan at dignidad ng mga kababayan natin.
Ang mga permanenteng pasilidad, bukod sa pagiging matatag sa sakuna, ay dapat magkaroon ng access sa daloy ng tubig, at dapat pagtibayin ng mga engineering solutions para maiwasan ang pagkalat ng sakit habang ginagamit ang pasilidad.
Bubuo rin ang inyong lingkod ng isang team upang magsagawa ng feasibility study sa pagtatayo ng isang permanent evacuation center sa ating distritong nasasakupan.
