NGAYON ang tamang panahon para maipakita ang bayanihan spirit.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasunod ng ginawa nitong inspeksiyon sa lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses.
Ayon sa Pangulo, ang pagtutulungan ang kailangan ngayon ng mga Pilipino sa gitna ng pagbangon mula sa delubyo na idinulot ng bagyo.
Siniguro naman ng Chief Executive na naririto ang gobyerno para sa mga nasalanta kasabay ang paninigurong hindi magpapabaya ang pamahalaan at gagawin ang lahat para sa recovery efforts.
Nauna nang inatasan ng pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga hinagupit ng kalamidad habang patuloy itong nakamonitor sa mga pangyayari. (CHRISTIAN DALE)
190 