P2.5-B PONDO SA COVID VACCINE DADAGDAGAN

PUMAYAG ang ilang senador na itaas ang P2.5 bilyong pondo sa pagbili, pag-iimbak at distribusyon ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021, ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto III.

Sa pahayag, sinabi ni Sotto na hindi pa sigurado kung magkano ang idadagdag sa pondo upang mapabakunahan ang 50% hanggang 60% ng populasyon.

“Yes, but I am not sure of the amount, ayon kay Sotto sa text message sa reporters nitong Linggo.

Nakatakda sa 2021 budget ng Department of Health (DOH), umaabot lamang sa P2.5 bilyon ang pondo na pambili ng bakuna na sinasabi ng ilang mambabatas na sobrang liit kumpara sa aktuwal na gagastusin.

Nauna nang hiniling ng ilang senador na itaas ang halaga tulad ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na humihiling ng P100 bilyong pondo sa pambili ng bakuna sa susunod na taon.

Sinabi ni Recto na kailangan ang naturang halaga upang matiyak na may sapat na bakuna para sa malaking porsiyento ng 105 milyong populasyon. Aniya, lubhang magastos din ang kakailanganing lohistika sa distribusyon at pagpapabakuna mismo. (ESTONG REYES)

190

Related posts

Leave a Comment