BAHAY SINILABAN NG LASING, ANAK AT PAMANGKIN PATAY

NORTHERN SAMAR – Dalawang menor de edad ang namatay makaraang sunugin ng ama ng isa sa mga biktima ang kanilang bahay sa bayan ng Catarman sa lalawigang ito.

Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang si Fernando Ford Frigillana, 39-anyos, residente ng naturang bayan.

Kabilang sa mga biktima ang 16-anyos na anak ng suspek at 13-anyos nitong pamangkin, ayon sa ulat ni SFO2 Rubin Calumpiano ng Catarman Burerau of Fire Protection.

Bago ang insidente, umuwing lasing ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang hawak ang isang itak.

Naawat ng mga kamag anak si Frigillina at pansamantalang nanahimik ngunit pagsapit ng hatinggabi ay sinilaban nito ang kanilang bahay.

Hinihinalang dahil mahimbing na natutulog ay na-suffocate sa makapal na usok ang dalawang biktima na hindi nakalabas mula sa nagliliyab na bahay. (JESSE KABEL)

147

Related posts

Leave a Comment