NAIS ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na tiyakin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang safety ng bakuna kontra COVID-19 bago bumili nito.
Ayon kay Go, nakausap niya sina Health Secretary Franciso Duque at Vaccine Czar Carlito Galvez na sisiguruhin nilang safe na iturok sa mga Pilipino ang bakuna kasama ang affordability, availability, accessibility at efficacy nito.
Muling iginiit ni Go na uunahin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahihirap at vulnerable sector kasama ang mga frontliner, sundalo at mga pulis na mabigyan ng bakuna.
Una nang tiniyak ni Go na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mahihirap dahil ang mga ito ang kailangang lumabas at maghanapbuhay para mayroong maipanustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Nanawagan din ang senador na konting tiis pa at palaging sumunod na health and safety protocol ng pamahalaan para maiwasang mahawa sa COVID-19 habang inaabangan ang pag-develop ng ligtas at mabisang bakuna laban sa nasabing virus. (ESTONG REYES)
168
