RIDER NATUMBOK NG KAPWA MOTORISTA, PATAY

QUEZON – Patay ang isang motorcycle rider makaraang masalpok ng hindi natukoy na sasakyan sa Quirino Highway, Barangay San Francisco, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rommel Ramirez Sequitin, 32, security guard, tubong Mindoro at residente ng Tanauan, Batangas.

Ayon sa Tagkawayan Police, patungong direksyon ng Bicol ang biktima at tinatahak ang palusong na kalsada nang mabangga ito ng kasunod na sasakyan dakong alas-7:00 ng gabi.

Agarang binawian ng buhay ang biktima dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang kulay silver na bumper na may nakasulat na serial number at tatak ng pangalan ng Hyundai Kia na hinihinalang siyang nakasalpok na sasakyan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari at driver ng nakasalpok na sasakyan. (NILOU DEL CARMEN)

141

Related posts

Leave a Comment