ISANG COVID-19 patient mula sa Barangay Hulong Duhat, Malabon City ang namatay nitong Enero 10, ang pang-236 na casualty ng pandemya sa lungsod habang isang dating gumaling ang muling nagpositibo.
Isa naman ang nadagdag sa confirmed case mula rin sa nasabing barangay, ayon sa City Health Department.
Sa kabuuan ay 6,115 ang tinamaan ng COVID sa Malabon, 47 dito ang active cases.
Nabawasan naman ang bilang ng mga gumaling dahil sa nabanggit na pasyente mula sa Barangay Ibaba na muling nagpositibo sa naturang sakit.
Umabot na sa 5,832 ang recovered patients sa lungsod.
Samantala, ayon sa Navotas City Health Office, apat ang nagpositibo sa COVID nitong Enero 10 at dalawa naman ang gumaling. (ALAIN AJERO)
