AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS

PINAGKALOOBAN ng tulong pinansyal at relief packs ang nasa 100 Barangay Health Workers o BHW ng Sta. Rosa City, Laguna upang makaagapay sila ngayong panahon ng pandemya.

Pinangunahan ni dating House speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pamimigay ng ayuda na itinaon sa kaarawan ni dating Deputy Speaker at Laguna 1st District Representative Dan Fernandez ng nasabing lungsod.

Kabilang sa limang dumalo na miyembro ng “BTS sa Kongreso” sina House deputy speaker at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr., AnaKalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu at Bulacan Ret. Jose Antonio Sy-Alvarado.

Lubos ang pasasalamat ni Cayetano sa mga BHW bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga gawaing pangkalusugan at pangangalaga sa komunidad lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“We want the best for the Filipino people. Any kind of vaccine, pabor po kami, basta approved ng FDA (Food and Drug Administration). Tumulong kayo, grabe na ang pangangailangan ng taong bayan,” sabi ni Cayetano.

Nais ng grupo na mapakinggan ng gobyerno ang kanilang tinig kung ano ang nararapat gawin sakaling dumating ang bakuna laban sa nakamamatay na virus.

Kasabay nito, binigyang-diin din ng grupo na ang pagbili ng angkop na bakuna para sa bawat Pilipino ang nararapat unahin upang muling lumakas ang ekonomiya at pamumuhay. Gayundin ang tamang pagpoproseso at pagsasaayos ng pagkakasunod-sunod ng mga babakunahan. (CYRILL QUILO)

179

Related posts

Leave a Comment