SOBEJANA, NEXT AFP CHIEF OF STAFF

KINUMPIRMA ng Malakanyang na si Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaasa sila na ipagpapatuloy ni General Sobejana na gawing makabago ang militar at gumawa ng repormang inisyatiba upang maging “truly professional” ang Armed Forces sa mandato nito bilang protektor ng mamamayan at estado.

“We wish General Sobejana all the best in his new tour of duty as we pray for his success,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, isa si Sobejana sa pangalan na nasa listahan na naisumite kay Pangulong Duterte na posibleng hahalili kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay.

Magreretiro na kasi sa darating na Pebrero 4 si Gapay, na itinalaga bilang pinuno ng hukbong sandatahan noong Hulyo ng nakalipas na taon.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, posibleng ngayong linggo na malaman kung sino ang susunod na hihirangin bilang AFP chief.

Bukod kay Army chief Lt. Gen. Sobejana, kasama sa mga pinagpiliang kapalit ni Gapay sina Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes, Southern Luzon
Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Arnulfo Burgos, at iba pang area commanders.

Dumaan naman sa mabusising pag-aaral ng AFP Board of Generals at senior military officials ang napiling irekomenda kay Pangulong Duterte. (CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment