VIRTUAL MEETING SA COVID VACCINE ISASAGAWA SA CALOOCAN

MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng Virtual Town Hall meeting on COVID-19 Vaccination Awareness upang maipaliwanag ang mga tamang kaalaman at impormasyon hinggil sa bakuna kontra COVID-19,

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, makakasama sa nasabing webinar sina Dr. Jason Dela Cruz, Infectious Disease Specialist sa San Lazaro Hospital; Dr. Ronald Cantilang, Infectious Disease Specialist; at Dr. Manolito Marciano, head ng COVID-19 team ng Caloocan City Medical Center.

“Nais nating masagot ang mga katanungan ng ating mga mamamayan at magkaroon sila ng tamang impormasyon upang mahikayat na magpabakuna. Sa tulong ng ating mga doktor at eksperto, malalaman nila kung ito ba ay ligtas at epektibong mga bakuna,” ani Malapitan.

Ang Zoom meeting ID ng virtual na pulong ay 540 050 0786 at ang passcode ay 980734.

Mapapanood ang virtual town hall meeting sa official Facebook page ni Malapitan (https://web.facebook.com/MayorOscarocaMalapitan), sa Pebrero 15, 2021, alas-2:00ng hapon. (ALAIN AJERO)

206

Related posts

Leave a Comment