Hindi binentahan ng droga MAG-AMA NAMARIL

CAVITE – Arestado ang isang lalaki habang nakatakas ang anak nito makaraang magwala at mamaril ng kanilang kapitbahay nang hindi umano pagbentahan ng ilegal na droga sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang ang biktimang si JP Solis, 20, obrero, ng Brgy. Niog 1, Bacoor City, mula sa .38 kalibreng baril ng mag-amang sina Edgardo Balanza, 69, at Reiner Balanza, 38, construction worker, kapwa residente sa Maligaya St., Brgy. Niog 1, Bacoor City.

Ayon sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police, dakong

alas-9:30 noong Linggo ng umaga nang mangyari ang insidente nang magtungo ang matandang Balanza sa bahay ng biktima at hinanap ang tatay ng huli para bumali ng umano’y shabu.

Sinabi naman ni JP na wala ang kanyang ama kaya walang mabibiling shabu na nagresulta sa kanilang pagtatalo at pagsusuntukan.

Pagkaraan ay umuwi si Edgardo sa kanilang bahay ngunit nang makita ni Reiner na may mga pasa ang ama ay isinumbong nito na binugbog siya ng biktima.

Bunsod nito, binalikan ng mag-ama ang biktima at pinaputukan ito gamit ang .38 kalibreng baril ngunit masuwerteng hindi tinamaan.

Mabilis namang nagsumbong ang biktima sa barangay at sa follow-up operation ay nadakip ang matandang Balanza habang nakatakas ang anak nito.

Napag-alaman na ang ama ng biktima ay nasa drug list ng pulisya at ang asawa nito ay nakulong dahil sa ilegal na droga. (SIGFRED ADSUARA)

206

Related posts

Leave a Comment