3 BATA, BINATILYO PATAY SA SUNOG

DAVAO CITY – Apat katao, kabilang ang tatlong bata at isang binatilyo, ang namatay sa sunog habang dalawa ang malubhang nasugatan nang makulong sa nasusunog nilang bahay nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Arson Division.

Ayon kay SFO4 Ramil Gillado, chief investigator ng BFP-11, posibleng na-trap at na-suffocate ng makapal na usok ang mga biktima kaya hindi nakalabas mula sa naglalagablab na bahay

Nabatid sa arson investigator, ang mga biktima ay ang magkapatid na sina Jag Louise, 19, at alyas Natnat, 8; at ang mga pinsan nilang sina Angel, 14, at Evan Gabriel, 9-anyos.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Julia, 26 at Eunice, na bagamant nakalabas ng bahay ay nalapnos ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP at BFP sa nangyaring sunog na sinasabing posibleng nagmula sa nakasaksak na electrical appliance.

Nangyari ang sunog sa San Juan St., Phase 1, Laverna Hills, Buhangin ng nasabing siyudad na tumupok sa dalawang kabahayan at isang laundry shop, at tinatayang aabot sa P3 milyon ang naging danyos. (JESSE KABEL)

269

Related posts

Leave a Comment