“YOU seem to have an angel face but a devilish mind.”
Ito ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos sabihin ng huli na ang Sinovac’s COVID-19 vaccine, na natatanging available sa bansa ngayon ay hindi akma para sa mga senior citizen na gaya ng pangulo.
Nauna rito, hinikayat ni Robredo ang pangulo na manguna sa pagpapaturok ng COVID-19 para mapawi ang pangamba ng mga Pilipino sa bakuna.
“You know in the protocol, the preferential right is given to 18 above tapos 59. Ako, mareng Leni, 70 na eh. Masyado kang apurado sa protocol eh. We are not even considered as those needing or occupy a priority in the application of covid. Mahirap kasi yang ano mo, you are baiting me,” ayon sa pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“Nagdududa ka kasi na nagpabakuna na ako kasama ng mga sundalo kaya panay ang tikoy-tikoy, ginaganoon mo ako. Sige magsalita ka,” dagdag na pahayag nito.
Nag-alok naman si Pangulong Duterte kay Robredo na bibigyan niya ito ng pera para bumili ng COVID-19 vaccines.
Hamon niya sa bise presidente, ito ang maghanap at bumili ng bakuna kontra COVID-19.
Inakusahan din ni Pangulong Duterte si Robredo na “wanting to be relevant” matapos na makisawsaw aniya ito sa panawagan na suriing mabuti ang Sinovac vaccine. (CHRISTIAN DALE)
103
