MT. TAAL ITINAAS SA ALERT LEVEL 2

LAGUNA – Itinaas ng Philippine Volcanology and Seismology (Philvolcs) sa alert level 2 status ang Bulkang Taal sa Batangas, mula sa level 1 nitong Martes ng umaga.

Dahil ito sa ilang abnormal na aktibidades ng bulkan makaraan ang ilang pagyanig na naitala.
Gayunman, hindi ibig sabihin ng alert level 2 ay sasabog na ito at kinakailangan nang lumikas ng ilang residenteng malapit dito.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island sa permanent danger zone (PDZ) lalo na sa paligid ng bunganga ng bulkan at sa pisngi ng Daang Kastila.

Nitong nakaraang 24-oras, nakapagtala ang ahensiya ng halos 28 volcanic tremor episodes at apat na low-frequency volcanic earthquakes na may lalim lamang na 1.5 kilometro. (CYRILL QUILO)

147

Related posts

Leave a Comment