NCR, ISA SA MAY PINAKAMABABANG PRESYO NG KURYENTE SA BANSA

INANUNSYO ng Manila Electric Company (MERALCO) ang ukol sa pababang paggalaw ng presyo ng kuryente para sa buwan ng Marso 2021. Ang bawas sa presyo ay nasa P0.34 kada kilowatthour (kWh). Kung susumahin, ang ibinaba ng presyo ng kuryente ng dalawang magkasunod na buwan ngayong taon ay umaabot na sa P0.41 kada kWh.

Taliwas sa mga alegasyon ng ibang militanteng grupo, isa ang Meralco sa may pinakamababang presyo ng kuryente sa bansa. Nang nirepaso ang presyo ng kuryente ng bawat kooperatiba at ibang distribyutor sa bansa, napag-alaman na ang Meralco ay nasa ika-77 na pwesto sa halagang P7.85 kada kWh. Ang presyong ito ay hindi hamak na mas mababa kumpara sa presyo ng ibang distribyutor sa bansa.

Ang Davao naman ay nasa pwesto na ika-76 sa halagang P7.86 kada kWh. Ito ay ayon sa ulat ng Sun Star Cebu.

Ayon sa datos ng Energy Regulatory Commission (ERC), ang Camiguin Electric Cooperative ang may pinakamahal na presyo ng kuryente  sa bansa sa halagang P13.47 kada kWh.

Ito ay sinusundan ng Pampanga Electric Service Cooperative sa halagang P13.33 kada kWh, at ng Lubang Electric Cooperative sa halagang P12.00 kada kWh.
Kagulat-gulat na ang mga malalaking lungsod sa ibang rehiyon sa bansa ay mas malaki pa ang binabayaran kumpara sa Metro Manila.

Ang mga konsyumer sa Cagayan de Oro ay nagbabayad ng P10.04 kada kWh sa Cepalco. Ang Cepalco ay nasa ika-15 na pwesto.

Ang Bacolod City naman ay nasa ika-38 na pwesto sa halagang P8.97 kada kWh.

Ang Iloilo naman ay nasa ika-47 sa halagang P8.80 kada kWh.

PINAKAMABABANG PRESYO SA LOOB NG ILANG TAON

Patuloy ang pagbaba ng presyo ng Meralco mula noong nakaraang  taon.

Malaking bahagi sa dahilan ng pagbaba ng presyo nito ay ang pagbaba rin ng presyo ng generation charge. Sa katunayan, naitala ang pinakamababang presyo ng Meralco noong taong 2020.

Sa ulat ni Meralco First Vice President and Regulatory Management Head Atty. Jose Ronald V. Valles sa ginanap na press briefing noong nakaraang linggo, ang karaniwang presyo ng kuryente ng Meralco ay nasa P7.96 kada kWh noong taong 2020. Ito ay mas mababa ng 10% kumpara sa karaniwang presyo ng kuryente noong 2019 na nagkakahalagang P8.87 kada kWh.

Malaki ang naging pagbaba sa demand sa kuryente noong Enhance Community Quarantine (ECQ) bunsod ng pansamantalang paghinto ng operasyon ng ilang mga negosyo. Bunsod nito, ginamit ng Meralco ang probisyon ng Force Majeure sa mga power supply agreement (PSA) nito upang mapababa ang fixed charge na sinisingil ng mga supplier
ng kuryente.

Ang implementasyon ng Power Supply Agreement (PSA), mas mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), paglakas ng presyo ng piso kontra dolyar, mababang presyo ng gasolina, at ang pananalanta ng mga bagyo sa bansa, ay kabilang sa mga dahilan ng pagbaba ng presyo ng kuryente.

NAITIPID SA KURYENTE NA NAGKAKAHALAGANG P14B

Ang pagbaba ng presyo ng kuryente, partikular ang pagbaba ng presyo ng generation charge, ay nagresulta sa halagang P14 bilyon na kabuuang
halaga ng natipid ng mga customer ng Meralco.

Ito ay maituturing na isang bagay na maaaring kainggitan ng mga konsyumer mula sa ibang rehiyon ng bansa.

Ayon sa Meralco, umabot sa 16.1% ang ibinaba ng presyo ng generation charge bilang resulta ng pagpapatupad ng mga bagong PSA nito.

Ang pagpapatupad ng mga bagong PSA ay nagresulta sa P8.4 bilyon na naitipid ng mga konsyumer.

Bumaba rin ng 12.6% ang karaniwang halaga ng system loss charge ng Meralco.

Nakatulong din sa pagbaba ng presyo ng kuryente ang pagbaba ng presyo ng kuoryente mula sa WESM, paglakas ng piso kontra dolyar, at paggamit
ng probisyon ng Force Majeure noong panahon ng quarantine.

Ang paggamit ng probisyon ng Force Majeure ay nagresulta sa kabuuang halagang P2.4 bilyon na naitipid ng mga customer ng Meralco.

Dagdag pa rito ay pansamantalang inihinto ng Meralco ang paniningil ng guaranteed minimum billing demand (GMBD) sa mga customer na hindi nakakaabot sa nakatakdang GMBD ng mga ito.

Ang mga nasabing customer ay nakatipid ng nagkakahalagang P3.2 bilyon.

Kasabay nito ay nagkaroon din ng 6.2% na pagtaas sa transmission charge kumpara noong taong 2019. Ito ay dahil sa mas mataas na power delivery service at ancillary service charge. Kasama rin sa mga dahilan ang mas mababang system load factor dahil sa mga ipinatupad na community quarantine.

“We see the lower rates last year as hopefully relief for our consumers, especially during these trying times.

We hope that the lower power costs as projected this month will further provide assistance to our customers in so far as their power bills are concerned,” pahayag ni Joe R. Zaldarriaga, Meralco Vice President for Corporate Communications and Spokesperson.

Muling bumaba ang presyo ng kuryente ng Meralco para sa buwan ng Marso bunsod ng pagbaba ng presyo ng generation charge, at bilang resulta ng refund order ng ERC na nagkakahalagang P13.9 bilyon. Ito na ang ikalawang beses na bumaba ang presyo ng kuryente ngayong taong 2021.

NO DISCONNECTION POLICY

Ang Meralco ay palaging nagbibigay ng konsiderasyon sa pinansyal na kalagayan ng mga customer nito.

Matagal ding pansamantalang ini hinto ng Meralco ang oeprasyon nito ng pagpuputol ng kuryente ng mga customer na hindi nakakabayad ng kanilang bill sa tamang oras. Ito
ay dahil siniguro ng Meralco na mayroong sapat at maasahang supply ng kuryente ang mga customer nito noong panahon ng pagpapatupad ng community quarantine.

Siniguro naman ni Meralco President and CEO Atty. Ray C. Espinosa sa publiko na patuloy na magbibigay ng serbisyo ang Meralco 24/7 sa kabila ng pandemya. Pinaninindigan ng Meralco ang misyon nitong “keep the lights on” para sa mga customer nito.

“All hands are on deck to ensure Meralco runs like clockwork.

Our company continues to keep up the good fight and sustains our mission to keep the lights on for each and every single customer in our franchise
area. Going beyond the power and light we deliver this current crisis that our country faces call for us to be a beacon of reliability and hope.

We are keeping the lights on for our customers as we also provision for the safety and comfort of our employees,” pahayag ni Atty. Espinosa.

“We may be living in uncertain times, but one thing is for sure.

Meralco will continue working 24/7 to keep our customers’ lights on, and provide reliable electricity at lower rates,” pahayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

370

Related posts

Leave a Comment