INIREKOMENDA ng National Task Force against COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na limitahan muna sa 1,500 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na pauuwiin o papapasukin sa Pilipinas kada araw.
Ang katuwiran ni NTF chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. ay dahil na rin ito sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, inirekomenda nila ito para ma-contain o mapigilan ang pagtaas pa ng bilang ng kaso.
Sa mga nagdaang araw kasi ay umabot na sa 4,000 hanggang 5,000 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
235 