MAS mababa ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa huling ulat ng Department of Health (DOH) ngayong Martes.
Nabatid na nasa 5,867 ang bilang ng mga bagong kaso.
Mayroon namang naitalang 620 na gumaling at 20 ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.7% (86,200) ang aktibo, 85.4% (578,461) na ang gumaling at 1.92% (12,992) ang namatay.
Nitong nakaraang linggo ay pumalo sa halos walong libong kaso ang naitala sa loob lamang ng isang araw. (JESSE KABEL)
154
