2 TIMBOG SA PEKENG SWAB TEST RESULTS

ARESTADO sa inilatag na entrapment ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawang lalaking sangkot sa paggawa ng pekeng swab test results ng COVID-19.

Swak sa kulungan ang mga suspek na sina Mark Paclian y Boydon, 37, may asawa, at Bryan Dizon y Rodriguez, 19, binata, kapwa walang trabaho at nakatira sa #929 R. Hidalgo St., Quiapo, Manila.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by private individuals and use of falsified documents), Article 176 (Manufacturing and possession of instruments or implements for falsification) ng Revised Penal Code, at RA 11332 Section 9 (Non-cooperation of persons and entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-Special Mayor Reaction ‘s Team (SMaRT), matapos makatanggap ang kanilang opisina hinggil sa bentahan ng pekeng swab tests results at sa pamamagitan ng pag-endorso ni Manila City Health chief, Dr. Arnold Pangan hinggil sa nakalap na pekeng medical certificates, ikinasa ang entrapment laban sa isang alyas “Mark”.

Bandang alas-4:00 ng hapon noong Marso 24 nang ikasa ang entrapment operation sa bahay ng mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. (RENE CRISOSTOMO)

295

Related posts

Leave a Comment