SIYAM ang nadagdag sa death toll sa COVID-19 ng Caloocan City habang isa naman ang binawian ng buhay sa Navotas City noong Hunyo 4.
Sumampa na sa 33,518 ang total confirmed cases sa Caloocan at sa nasabing bilang ay 31,569 na ang gumaling, 970 ang namatay at 979 naman ang active cases.
Sa lungsod naman ng Navotas ay isa ang namatay habang102 ang active cases matapos na 12 ang nagpositibo sa virus at 13 naman ang gumaling.
Umakyat na sa 10,870 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, kung saan 10,408 na ang gumaling at 360 ang namatay.
Wala namang iniulat na namatay sa Malabon City at nanatiling 441 ang COVID death toll sa lungsod, habang 17 ang nadagdag na confirmed cases.
Sa kabuuan ay 13,172 ang positive cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 162 ang active cases.
Habang 16 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 12,569 ang recovered patients ng Malabon.
Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)
127 