P149-B PNR TUTUBAN-MALOLOS TRAIN SINIMULAN

train22

(NI FRANCIS SORIANO)

MALOLOS BULACAN – Bilang hudyat ay mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nagpaandar ng concrete pile equipment para sa paghuhukay sa unang poste ng istrakturang lalatagan ng 38 kilometrong riles ng Philippine National Railways o PNR Clark Phase 1 mula Tutuban sa Maynila hanggang sa lungsod ng Malolos.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang Phase 1 ay binubuo ng apat na contract packages mula sa Tutuban, Maynila hanggang Bocaue, pangalawang package ang mula Bocaue hanggang sa Malolos, pangatlong package ang pag-assemble sa Japan ng mga bagol ng tren at ang pang-apat na package ay ang electro-mechanical na siyang magkakaroon ng malaking papel sa magiging operasyon nito.

Sa kabuuang halagang P149 bilyon, P93 bilyon ang sinagot ng Official Development Assistance ng Japan International Cooperation Agency habang ang P56 bilyong ay magmumula sa taunang pambansang badyet ng pamahalaan ng Pilipinas.

Dagdag pa nito na umabot na sa 91 porsyento o halos tapos nang linisin ang right-of-way para sa rutang dadaanan ng proyekto na unang isasailalim sa konstruksyon ang bahagi ng Malolos hanggang Bocaue na susundan naman mula Bocaue hanggang sa Tutuban na matapos ang proyekto sa taong 2021 ng Sumitomo Mitsui Corporation Co. Ltd na siyang may kontrata sa proyekto.

Inaasahan dinsa taong 2021 ay makakabiyahe nang sabay ang mga tren na mula Malolos-Tutuban-Malolos na ang bawat isang train set ay may walong dugtong na bagol o rolling stock na kayang magbiyahe ng 300 libong pasahero araw-araw.

Ang Japan din  ang magpopondo sa iba pang proyekto gaya ng rehabilitasyon ng Metro Rail Transit 3, Metro Manila Subway, at Phase 2 ng PNR Clark mula Malolos hanggang Clark International Airport kung saan katuwang naman ang Asian Development Bank.

Dahil dito ay ikinagalak naman ni Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda na ang PNR North Clark Phase 1 ay simbulo ng Golden Age of Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

 

374

Related posts

Leave a Comment