Paglilinaw ng WHO THIRD SHOT IBA SA BOOSTER SHOT

NILINAW ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na iba ang booster shot sa 3rd shot vaccine.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Abeyasinghe na ang dapat maibigay sa mga senior citizen ay 3rd dose at hindi booster shot.

Ang rekomendasyon nila ay mabigyan ng 3rd dose ang mga naturukan ng Sinovac at Sinopharm na may comorbidities at mga elderly.

Kapag booster shot naman aniya ang pinag- uusapan, sinabi ng WHO official na ang binibigyang diin dito ay para mapalakas ang immunity.

Sa kasalukuyan, wala pa aniya silang inirerekomenda na magbigay ng booster shots dahil ito’y pinag- aaralan pa.

Giit ni Abeyasinghe, ang urgent ay ang pagbibigay ng 3rd dose. (CHRISTIAN DALE)

151

Related posts

Leave a Comment