HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga ospital na mag-avail ng umiiral na payment scheme ng state-run Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa COVID-19 claims upang hindi na mahirapan ang mga pasyente.
Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa ipinagpaliban na plano ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na magsagawa ng “PhilHealth holiday” mula Enero 1 hanggang 5, panahon kung saan ang deductions para sa health services ay hindi tatanggapin dahil sa unpaid COVID-19 hospital claims ng PhilHealth na pumapalo na ngayon sa bilyong piso.
Sinabi ni PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano na nagdesisyon silang ipagpaliban ang protest action para ituro muna sa publiko ang dahilan ng PhilHealth holiday at bigyan ng instructions ang mga pasyente ukol sa kung ano ang gagawin kapag naisagawa na ang implementasyon.
Sinabi ni Nograles na ang “best move” na magagawa ng mga ospital ay mag-avail ng Debit Credit Payment Method (DCPM) kung saan ang PhilHealth ay magbabayad ng 80% ng COVID-19 claims ng mga ospital habang ang natitira naman ay babayaran sa oras na makompleto na ang pagproseso ng requirements.
“Why don’t we all just comply, why don’t we all just avail of DCPM. The best way [to be paid] is to participate under DCPM so fresh funds will be available for hospitals, and the patients in need of care won’t be affected. That way, nobody will suffer,” ayon kay Nograles.
“PhilHealth’s call is for the hospitals to get in touch with them, so the hospitals could avail of the DCPM. We know there are a lot of requirements, documents needed to be submitted to PhilHealth, so DCPM is the fastest way for the money to be paid to hospitals; so that hospitals will get the funding they need,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Aniya pa, ang DCPM ay inimplementa ng dalawang phases at ang pangatlong phase ay nagpapatuloy.
Ang initial payment ng DCPM ay tumaas na ng 80% mula 60% para mapabilis ang pagbabayad sa COVID-19 hospital claims.
Sa kabila ng adjustment, ilang ospital sa Iloilo ang nagdesisyon ng putulin ang ugnayan sa PhilHealth dahil sa kabiguan ng state-run corporation na bayaran ang nasabing outstanding COVID-19 claims. (CHRISTIAN DALE).
223
