TINATAYANG umaabot na sa 478,969 public at private healthcare workers ang napagkalooban na ng pamahalaan ng Special Risk Allowance o SRA.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito ang bilang ng mga nabahaginan ng SRA mula Disyembre 2020 hanggang June 2021.
Sinasabing P7,665, 443,800 at 50 sentimo ang ginugol ng pamahalaan para sa pamamahagi ng SRA sa unang pitong buwan ng distribusyon nito sa nasabing mga buwan.
Sa kabilang banda, nagbigay rin ang pamahalaan ng tulong sa mga naiwang pamilya ng mga namatay na health worker.
Sa iprinesentang datos ng Kalihim, nasa 27,066 public at private healthcare workers na aniya ang nakakuha ng death compensation.
“Efforts were also made to extend assistance to our healthcare frontliners and their families. A total of 27,066 public and private healthcare workers were beneficiaries of death compensation; while 478,969 public and private healthcare workers were recipients of Special Risk Allowance or SRA, totaling P7,665,443,800.50 from December 2020 until June of 2021,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)
171 