Mga pulis idineploy – PNP QUARANTINE HOTELS, BANTAY-SARADO NA

KINUMPIRMA ng Philippine National Police na nagpasimula na silang mag-deploy ng mga pulis sa mga hotel na itinakdang quarantine facilities kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ay bunsod na rin ng nadiskubreng pagtakas ng dalawang kababaihan sa kanilang quarantine hotel para makaiwas sa itinakdang isolation rules.

Una rito ang isang babae na tinaguriang “massage girl” na tumakas sa kanyang isolation requirement sa isang hotel sa Makati at nagtungo sa isang massage clinic na kanyang ipinaskil sa kanyang Facebook account, bago tumuloy sa kanyang condominium sa Global City.

At ang kontrobersyal na si “Poblacion Girl” na nakipag-party at nagpalipat-lipat pa umano ng restaurant at nakapanghawa ng 11 katao na kanyang nakasalamuha.

Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, “Well we follow the instructions of the president of deploying two PNP personnel on a 12-hour shift in these quarantine facilities, hotels that are being utilized as quarantine facilities for returning overseas Filipinos.” (JESSE KABEL)

473

Related posts

Leave a Comment