Sa Camanava 9 PATAY, 5,755 ACTIVE COVID-19 CASES

SIYAM ang patay sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area, habang sumirit sa 5,755 ang active COVID cases sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Apat ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa lungsod ng Navotas hanggang 8 pm noong Enero 9 habang 998 ang active cases matapos na 149 ang mahawaan at 65 naman ang gumaling.

Pumalo na sa 18,760 ang total COVID cases sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,192 na ang gumaling at 570 ang namatay.

Umakyat naman sa 1,646 ang total COVID deaths sa Caloocan City nitong Enero 10 mula sa 1,642 noong Enero 7, o karagdagang apat na casualties, habang sumipa sa 1,068 ang active cases mula sa dating 704.  Sumampa na sa 63,906 ang confirmed cases sa lungsod, at dito ay 61,192 na ang gumaling.

Isa naman ang itinumba ng pandemya sa Valenzuela City noong Enero 10, habang umakyat sa 2,549 ang active cases sa siyudad makaraang 255 ang nagpositibo sa virus at 90 naman ang gumaling.

Umabot na sa 38,732 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 35,331 na ang gumaling at 852 ang namatay.

Ayon sa Malabon City Health Department, 217 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod noong Enero 10. Sa kabuuan ay 22,523 ang positive cases sa lungsod, 1,140 dito ang active cases.

Habang 61 ang gumaling at sa kabuuan ay 20,719 ang recovered patients ng siyudad.

Labing-anim naman ang naitalang reinfection o muling nagpositibo sa COVID-19.

Mapalad namang hindi nadagdagan ang 664 COVID death toll ng lungsod. (ALAIN AJERO)

564

Related posts

Leave a Comment