ACADEMIC HEALTH BREAK HIRIT SA DEPED

HINDI lang ang health workers sa National Capital Region (NCR) ang nagkakasakit sa gitna ng paglaganap ng Omicron variant kundi gayundin ang public school teachers.

Ito ang dahilan kaya umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng 2 linggong health break sa NCR at maging sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3.

Ayon sa nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara, lumabas sa kanilang survey sa kanilang mga miyembro sa NCR na 55.3% sa mga ito ang nakaranas ng flu symptoms mula nang pumasok ang 2022.

Ginawa umano ang survey noong Lunes, kung saan nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 33,169 kaso ng COVID-19 na pinakamataas mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

“These are very alarming numbers. What is the Department of Education doing to support our teachers during this time when many of their employees are sick? Do they even know the extent of the COVID-19 positive cases among DepEd employees?” tanong ni Castro.

Hindi sinabi sa survey kung COVID-19 ang tumama sa public school teachers sa NCR subalit kailangang pa rin umanong tulungan ang mga ito ng DepEd upang mabilis silang makarekober.

Subalit ang higit na ikinadidismaya ng mambabatas ay patuloy na nagtuturo sa online classes ang mga guro sa kabila ng kanilang karamdaman kaya kailangang bigyan umano ang mga ito ng dalawang linggong break.

“We reiterate our call for the Department of Education to implement a much-needed health break for areas under Alert Level 3. We also call on the DepEd to ensure adequate health monitoring of our teachers,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

209

Related posts

Leave a Comment