NAITALA sa 26,458 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Enero sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Ayon ito sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health 4-A nitong araw ng Pebrero 1.
Nasa 1,002 ang bagong kaso habang 2,068 ang mga nakarekober o gumaling sa sakit at 15 katao naman ang binawian ng buhay.
Sa lalawigan ng Cavite, naitala ang 10,703 aktibong kaso, habang 149 ang naidagdag na mga nagkasakit. Sumunod ang lalawigan ng Laguna kung saan mayroong 7,881 aktibong kaso ng corona virus habang 172 ang naidagdag; sunod ang Rizal na may 3,464 active cases at 259 ang new cases; Batangas 3,085 active cases, 321 ang new cases; Quezon 1,257 active cases, 90 ang new cases; at Lucena City, 68 active cases ,11 ang new cases.
Samantala, inilagay naman sa Alert level 2 status ang lalawigan ng Cavite at Rizal simula Pebrero 1 hanggang 15.
Mananatili naman sa Alert Level 3 status ang mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Quezon. (CYRILL QUILO)
187 