KAGULUHAN SA NO VAX, NO RIDE POLICY ‘DI NA DAPAT MAULIT

no vaccine

UMAASA si Senador Risa Hontiveros na hindi na mauulit sa iba pang mga polisiyang ipinatutupad ng gobyerno ang nangyaring kaguluhan at kalituhan sa No vaccine, no ride policy sa gitna ng pagbaba sa Alert Level 2 sa Metro Manila at iba pang lugar.

Sinabi ni Hontiveros na wala siyang nakikitang problema sa pagbubukas ng borders at pagbaba ng mga COVID restrictions sa kondisyong ito ay may science-based evidence at batay sa rekomendasyon ng mga health experts.

Iginiit ng senador na sa new and better economic normal, kritikal sa pagbuo ng mga polisiya ang scientific expertise lalo na pagdating sa public health.

Inaasahan din ng mambabatas na malinaw na ang mga alituntunin na ipatutupad sa susunod na araw dahil mas maluwag na ang paggalaw ng tao at mas maraming Pinoy na nakabakasyon ang mabibigyan ng mas mahabang panahon na makasama ang kanilang pamilya.

“Hindi na sana maulit ang pagkaabala ng taumbayan sa “no vax, no ride policy”, which I believe was really just a knee jerk reaction. Mabuti naman at ito’y inurong na,” saad ni Hontiveros.

Nanawagan naman ang senador sa publiko na kahit mas malaya na ang paggalaw, patuloy pa ring maging alerto at huwag hayaang mabalewala lahat ng sakripisyo ng kapwa Pilipino. (DANG SAMSON-GARCIA)

216

Related posts

Leave a Comment