8K BAGONG COVID CASES NAITALA NG DOH

INANUNSYO ng Department of Health na halos sampung libo pa rin ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Base sa datos ng DoH, may 8,702 ang karagdagang bilang ng kaso ng COVID-19 nitong Huwebes na nagdala sa kabuuang aktibong kaso na 153,335.

Sa 153,335, ang kritikal ay 324;  severe ay 1,528; 3,067 ang moderate; ang mild ay 143,493; at asymptomatic ay 4,923.

Mas mataas ang bilang ng gumaling sa sakit na 15,290, o kabuuang recoveries na 3,377,958 habang may 71 na pumanaw, nagdala sa kabuuang bilang ng binawian ng buhay na 54,168.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna ang Region 6 na may 1,039 na kaso; sumunod ang Region 7 na may 799 at ang Region 11 na may 785 na kaso.

Sa pangkalahatan ay nakapagtala na ng 3,585,461 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula nang pumutok ang nasabing pandemya sa buong mundo. (RENE CRISOSTOMO)

152

Related posts

Leave a Comment