COVID PATIENT PATAY SA MALABON

ISANG COVID-19 patient mula sa Barangay Santulan, Malabon City ang binawian ng buhay noong Pebrero 25, ang ika-717 namatay dahil sa pandemya sa lungsod, ayon sa City Health Department.

Tatlo naman nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangays Catmon (2) at Santulan (1). Sa kabuuan ay 25,308 ang positive cases sa siyudad, 27 dito ang active cases.

Habang isa ang gumaling mula sa Barangay Muzon, at sa kabuuan ay 24,564 ang recovered patients ng lungsod.

Samantala, huling naitalang 28 ang active cases sa Navotas City matapos na dalawa ang gumaling at may isang nahawa.

Hanggang 8 pm noong Pebrero 25 ay 21,061 na ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at dito ay 20,397 na ang gumaling at 636 ang namatay. (ALAIN AJERO)

219

Related posts

Leave a Comment