Libel case ni Joy tinawanan lang

Sa kabilang dako, itinuturing ni Defensor na “cheap publicity gimmick” ang pagsasampa ng kasong libel laban sa kanya ng katunggali sa mayoralty race sa Quezon City na si Mayor Joy Belmonte.

“The complaint is silly and futile because Mayor Belmonte is an elected official, not a private individual. And she knows this,” ayon pa sa mambabatas.

Nag-ugat ang libel case na isinampa ni Belmonte sa umano’y social media post ng mambabatas na nagsasabing nag-deploy ang alkalde ng “baklas army” para tanggalin ang lahat ng poster ng huli.

“Mayor Belmonte is obviously just trying to draw attention to herself. She is just after the extra publicity at my expense,” ayon pa kay Defensor.

Sinabi ng mambabatas na hindi dapat ‘magbalat-sibuyas’ si Belmonte dahil mismong ang Korte Suprema ay nagsabi na lahat ng halal na opisyal ay huwag masyadong sensitibo sa public criticisms.

“Like me, Mayor Belmonte is an elected official. We both cannot run away from harsh public scrutiny and disapproval,” ayon pa kay Defensor.

Si Defensor ang mas pinapaborang mananalo bilang mayor ng Quezon City sa darating na eleksyon base sa iba’t ibang survey. (BERNARD TAGUINOD)

216

Related posts

Leave a Comment