BI EMPLOYEES NANAWAGAN KAY BBM

NANANAWAGAN ang ilang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging maingat sa pagpili sa ­maaaring i-endorso ng ilang grupo na mga opisyales na ilalagay sa matataas na puwesto sa BI kabilang ang Port Operations Division na siyang naging kontrobersyal kamakailan dahil sa Pastillas scheme kung saan isinangkot ang ilang mga tauhan ng ahensya, na maaaring makasira umano sa magandang hangarin ng pamahalaang Marcos na pagbabago sa pamahalaan.

Naging usap-usapan sa BI ang umano’y posibleng pagtatalaga ng Department of Justice (DOJ) kay Danieve “Denden”

Binsol bilang chief ng POD sa pagpasok ng bagong administrasyon. Si Binsol at pitong iba pa ay kabilang sa mga itinuro ng whistleblower na si Immigration officer Alex Chong sa mga pagdinig sa Senado, na umano’y Chinese supplier sa pamamagitan ng pagpasok sa bansa ng mga dayuhan na hindi na daraan sa verification upang makalusot at madaling mabigyan ng tourist visa sa Visa Upon Arrival, kakutsaba ang ilang travel agencies.

Matatandaang bukod kina Binsol at Erwin Ortañez na ­dating hepe ng TCEU, ay itinuro din ng whistleblower ang dating POD chief at Deputy Commissioner
ng BI na si Red Mariñas na siyang utak umano sa operasyon ng Pastillas bribery scandal na yumanig sa kasaysayan ng ahensya at ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kahihiyan na inabot ng pamahalaan sa buong mundo at inirekomendang pakasuhan ang mga ito sa Office of the Ombudsman bilang pag­labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Tinatayang umabot umano sa P40-B ang nawala sa kita ng pamahalaan na dapat sana ay napunta sa kabang yaman ng ating gobyerno. Sina Binsol ay inirekomenda rin ng komite sa Senado na permanenteng hindi na mabigyan ng pwesto dahil sa ibinunyag na katiwalian sa airport ng dalawang lumutang na whistleblower hinggil sa kanilang nalalaman kahit may naging banta sa kanilang buhay.

Kaugnay nito, hindi naman lahat ng mga tauhan ng BI na nasangkot ay may kinalaman sa anomalya, ang ilan dito ay mga nadamay lamang at ­kasalukuyang dinidinig pa ang kanilang kaso.

Pinatunayan naman ng NBI ang naging pahayag ng mga whistleblower na mayroong ka­kut­saba ang sindikato ng Pastillas makaraang arestuhin nila ang
kanilang kasamahan sa NBI sa entrapment operation na ikina­dakip kay legal head Atty. Joshua Caperal na siya umanong kontak ng sindikato upang ibasura ang ilang pangalan upang hindi maisama sa listahan ng mga kakasuhan. Ang itinurong mga sangkot sa Pastillas ay itinanggi ang mga akusasyon sa Senado.

Sa pagpasok sa pulitika ni Red Mariñas bilang alkalde ng Muntinlupa City ay naging talunan na naman ito sa nakaraang 2022 elections sa ikatlong pagkakataon mula nang tumakbo ito na konsehal noong hindi pa ito empleyado ng BI noong 2019. Walang kadala-dala.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

182

Related posts

Leave a Comment