CRIME GROUP MEMBER, NAKORNER NG CIDG

ARESTADO ang isang umano’y miyembro ng Andaya criminal group matapos bentahan ng baril at alukin pa ng granada ang isang pulis sa isinagawang gun buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor, ng Maligaya Street, Parkland, Brgy. 177 ng lungsod.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang CIDG-RGU-NCR ng impormasyon na nagpapanggap ang suspek na aktibong tauhan ng AFP at nagbebenta ng baril sa northern part ng Metro Manila na naging dahilan upang isailalim siya sa validation.

Nang magpositibo ay agad nagkasa ang mga operatiba ng CIDG SMMDFU at Army Intelligence Regiment, ng buy-bust operation sa bahay nito dakong alas-6:00 ng gabi na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 45 pistol na may limang bala, isang hand grenade, 2 pirasong IDs (AFP ID and membership ID), isang set ng AFP uniform at P1,000 bill dusted money at boodle money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Election Gun Ban, Article 177 (Usurpation of Official Functions), Article 179 (Illegal Use of Uniforms or Insignia) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives). (FRANCIS SORIANO)

462

Related posts

Leave a Comment