30 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG

HINIHINALANG ilegal na koneksyon sa kuryente ang dahilan ng pagkatupok sa ilang kabahayan naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang 30 pamilya sa Parola Compound, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa inukupang bahay ng isang Luis Acosta.

Nabatid mula kay SFO1 Maria Concepcion de Jesus, nagsimula ang sunog bandang alas-2:21 ng madaling araw na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out ng dakong alas-3:58 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na namatay o nasugatan sa insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng Arson Division, umabot sa P30,000 ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian habang iniimbestigahan ng Arson Division ang posibleng sanhi ng sunog. (RENE CRISOSTOMO)

219

Related posts

Leave a Comment