4S’ IPINAALALA KONTRA DENGUE

BINALAAN ang publiko ng pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa dulot ng mapanganib na dengue fever ngayong tag-ulan at pinayuhan ang mga Pilipino na mag-ingat, gayundin ay makipagtulungan sa mga interbensyon sa kalusugan upang maiwasan ang mga hotspot.

Paalala ng PRC sa publiko na sundin ang “4S” protocol laban sa dengue: “search and destroy” mosquito-breeding sites, employ “self-protection measures, “seek early consultation” and “say yes to fogging/spraying operations.”

“(For) search and destroy: cover water drums and pails; replace water in flower vases once a week; clean gutters of leaves and debris; collect and dispose of all unusable tin cans, jars, bottles and other items that can collect and hold water,” ayon sa PRC.

Ipinaalala rin ng PRC ang self-protective measures tulad ng pagsusuot ng long pants at long-sleeved shirts gayundin ang araw-araw na paggamit ng mosquito repellents.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paghingi ng maagang konsultasyon sa mga doktor kapag nagpapatuloy ang lagnat pagkatapos ng dalawang araw at nagsimulang lumitaw ang mga pantal.

Ang panganib ng transmission ay pinakamataas sa panahon at pagkatapos ng tag-ulan, na karaniwang nangyayari mula Mayo hanggang Nobyembre, dagdag nito.

Ang National Dengue Awareness Month ay ginugunita tuwing Hunyo sa bisa ng Proclamation 1204 na inilabas noong Abril 21, 1998 ni dating Pangulong Fidel Ramos.(RENE CRISOSTOMO)

605

Related posts

Leave a Comment