AFP SPOX HINIRANG NA ACTING PSG CHIEF

ITINALAGA si Colonel Ramon Zagala, kasalukuyang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), upang pansamantalang mamuno sa Presidential Security Group (PSG).

Tungkulin ng PSG na tiyaking ligtas si President-elect Ferdinand Marcos Jr. at pamilya nito.

Sa ulat, sinabi ni Colonel Jorry Baclor, hepe ng AFP public affairs office (PAO), na wala pa silang natatanggap na kahit na anomang official appointment papers ni Zagala bagama’t kinumpirma nito na ang ‘eloquent military spokesperson’ ay sinabihan nang mag-report sa Malakanyang.

“I have no official confirmation. What I know is [Zagala] was already told to report to Malacanang for the transition,” ayon kay Baclor .
Sa hiwalay na panayam, tikom naman ang bibig at walang komento si Zagala sa usaping ito.

Subalit may isang source ang nagsabi na nagpaabot na ng pasasalamat si Zagala para sa kanyang appointment.

“It was his colleagues at the PAO who confirmed it. I congratulated him [for the appointment] and he said ‘thank you,'” ayon sa source.
Sa kabilang dako, magsisilbi rin si Zagala bilang “senior military assistant to the President” kapag naupo na siya bilang PSG commander. (CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

385

Related posts

Leave a Comment