VACATION PAY NG MGA GURO BAYARAN

UMAPELA sa Department of Education (DepEd) ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na bayaran ang vacation pay ng mga guro.

Ito ay dahil sa kawalan umano ng pahinga ng mga guro bunga ng itinakdang pagbubukas ng klase para sa School Year 2022 – 2023 sa darating na Agosto 22.

Sinabi ni ACT chairperson Vladimir Quetua, may paglabag ang pamunuan ng DepEd sa Order 34 na nagtatakda para sa resumption ng mga klase dahil pagkatapos ng June 24 ay dapat magbakasyon na anila ang mga guro.

Nananawagan ang mga ito sa gobyerno na mabayaran ang mga guro na lagpas sa takdang panahon na kanilang tinawag na Proportional Vacation Pay.

Nauna rito, umapela ang Teachers Dignity Coalition (TDC) sa gobyerno na iurong ang pagbubukas ng incoming school year sa kalagitnaan ng Setyembre o Oktubre para mabigyan ng sapat na oras ang mga guro na makapagpahinga. (ENOCK ECHAGUE)

192

Related posts

Leave a Comment