MAJA, UMIYAK SA EAT BULAGA

DI napigilang maging emosyonal at mapaluha si Maja Salvador habang ang mga co-host sa Eat Bulaga nagsi-share kung paano nabago ang kanilang buhay mula nang naging parte sila ng EB Dabarkads.

Napaiyak siya dahil maging siya raw ay naging parte ng programa overwhelmed daw siya.

Ayon nga kay Allan K, matagal na raw dream ni Maja na maging host ng iconic program.

Sey naman ni Maja, bata pa lang daw siya ay pinapanood na niya ang EB.

Esplika ni Maja,”Sorry po, siguro sobrang overwhelmed lang ako last Saturday sa segment na ibinigay ng EB.

“And now, pine-present n’yo ako na one of the Dabarkads, so parang nagsi-sink in bigla.”

“Kasi nga po, totoo na noong ni-launch ako, from bata na nakikinood lang sa kapitbahay, fan ng Little Miss Philippines, and now nandito, binigyan ng segment.

“Grabe ‘yung love and support na ibinibigay. Tapos itong may segment pa ng Bida Next, parang parte ng Dabarkads talaga. Kaya ang emotional, pasensiya na po,” paumanhin ng dalagang aktres.

123

Related posts

Leave a Comment