LASING NA RIDER, TIGOK SA POSTE

BATANGAS – Patay ang isang lasing na motorcycle rider matapos na sumalpok sa konkretong poste sa national highway, Brgy. Manghinao Uno, sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Bauan PNP ang biktimang si Edgar Añonuevo, residente ng Brgy. Mataas na Lupa, San Pascual.

Batay sa report, dakong alas-9:15 ng gabi, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima galing sa pakikipag-inuman ngunit pagsapit sa tapat ng sementeryo ay mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa konkretong poste sa gilid ng highway.

Grabeng napinsala ang ulo at katawan ang biktima bunsod ng insidente.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklara ng dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

141

Related posts

Leave a Comment