BACK-UP PLAN SAKALING TUMAAS ANG COVID 19 SA MGA SCHOOL, PINALATAG SA DEPED

PINATITIYAK ni Senador Robin Padilla sa Department of Education na mayroon silang backup plan kung sakaling magkaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa panahon ng face to face classes.

Sa organization meeting ng Senate Committee on Basic Education, binigyang-diin ni Padilla ang sitwasyon sa Senado kung saan sa kabila ng pagpapatupad at pagsunod sa health protocols, pitong senador at 47 empleyado ang nagpositibo sa virus.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary for Field Operations Revsee Escobedo na nakalatag ang lahat ng protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at iba pang school staff.

Idinagdag pa ni Escobedo na handa silang bumalik sa blended learning kung magkakaroon ng mga infection sa ilang klase o paaralan.

Binigyang-diin din ni Escobedo na mahigpit din ang bilin nila sa mga guro upang mabantayan ang kalusugan ng mga estudyante. (Dang Samson-Garcia)

160

Related posts

Leave a Comment