PATAY ang isang parking attendant makaraang dalawang beses na paputukan sa Maria Orosa St. sa panulukan ng United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si alyas “Arman”, walang tiyak na tirahan sa lungsod.
Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Lt. Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima ng gunman na lulan ng pulang Toyota Vios na walang plaka
Ayon sa pahayag ng isang Francis Abela, 42, isa ring parking attendant,
habang siya ay nakaupo sa tabi ng isang restaurant sa nasabing lugar, nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril.
Pagkaraan ay nakita niyang naglakad palayo ang suspek at sumakay sa nabanggit na sasakyan na tumakas patungo sa sa direksyon ng Roxas Boulevard. (RENE CRISOSTOMO)
185
