CARNAPPER NA RAPIST NABITAG NG NPD

NAGWAKAS sa karsel ang halos tatlong taong pagtatago ng isang suspek sa rape sa lalawigan ng Leyte at kasapi umano ng isang carnapping group, matapos masakote ng mga operatiba ng Northern Police District.

Arestado ang suspek na si Alberto Panisan y Abrahan, 47, istambay, huling nanirahan sa Brgy. Valencia, Quezon City.

Si Panisan ay sinasabing miyembro ng Limos carnapping syndicate na nag-o-operate sa Metro Manila, at ikaanim sa most wanted persons ng Police Regional Office 8.

Ang suspek ay may warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Presiding Judge Ephrem Suarez Abando, ng Regional Trial Court, 8th Judicial Region,  Branch 18, Hilongos, Leyte na may petsang Disyembre 20, 2019. (ALAIN AJERO)

399

Related posts

Leave a Comment