MWP SA RAPE/CARNAPPING TIKLO SA PAMPANGA

INARESTO sa lalawigan ng Pampanga ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District ang isang lalaking top 10 most wanted person sa kasong rape sa Eastern Visayas, at umano’y kasapi ng Limos carnapping group.

Kalaboso ang suspek na si Ruel Quizol y Impok, 28, huling nanirahan sa San Juan, Apalit, Pampanga.

Ayon sa ulat, dakong 11:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban kay Quizol makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na namataan siya sa San Juan, Apalit, Pampanga.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Dexter Lazarte Aguilar, ng Regional Trial Court, Eight Judicial Region, Branch 17 ng Palompon, Leyte, para sa kasong statutory rape. (ALAIN AJERO)

173

Related posts

Leave a Comment