PATAY ang isang American national matapos umanong mahulog mula sa ika-walong palapag ng isang condominium sa Valenzuela City.
Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Robert” 59, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos bumagsak sa lobby ng naturang condo.
Lumabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente, Lunes ng alas-9:40 ng umaga sa Tower A Condominium, Isabelle de Valenzuela, Brgy. Marulas.
Batay sa pahayag sa pulisya ng 52-anyos na lady guard ng condominium na si alyas “Anita”, laking gulat na lang niya nang bumagsak sa tabi niya ang katawan ng biktima.
Kaagad naman niyang ipinaalam sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 ang insidente.
Isasailalim pa ng pulisya sa autopsy examination ang bangkay ng dayuhan upang matiyak ang sanhi ng kanyang kamatayan habang patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagsisiyasat para mabatid kung sadyang tumalon sa kanyang kamatayan ang dayuhan o aksidenteng nahulog mula sa tinutuluyan niyang unit. (MARDE INFANTE)PATAY ang isang American national matapos umanong mahulog mula sa ika-walong palapag ng isang condominium sa Valenzuela City.
Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Robert” 59, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos bumagsak sa lobby ng naturang condo.
Lumabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente, Lunes ng alas-9:40 ng umaga sa Tower A Condominium, Isabelle de Valenzuela, Brgy. Marulas.
Batay sa pahayag sa pulisya ng 52-anyos na lady guard ng condominium na si alyas “Anita”, laking gulat na lang niya nang bumagsak sa tabi niya ang katawan ng biktima.
Kaagad naman niyang ipinaalam sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 ang insidente.
Isasailalim pa ng pulisya sa autopsy examination ang bangkay ng dayuhan upang matiyak ang sanhi ng kanyang kamatayan habang patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagsisiyasat para mabatid kung sadyang tumalon sa kanyang kamatayan ang dayuhan o aksidenteng nahulog mula sa tinutuluyan niyang unit. (MARDE INFANTE)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)