ANTI-RABIES, CHILD VAX LIBRE SA PUBLIC HOSPITALS

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na nag-aalok ang gobyerno ng free anti-rabies vaccination.

“Sakaling nakagat o nakalmot kayo ng inyong mga alagang aso at pusa —nangangamba sa rabies— libre po ang pagbabakuna sa mga government hospital,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Ang ‘rabies’ ay itinuturing ng bansa na public health problem.

Para aniya sa mga dudulog naman sa private hospital, may animal bite package naman ang PhilHealth.

Samantala, may libre namang immunization para sa mga batang edad 0 hanggang 5 sa lahat ng pampublikong ospital at health centers.

Kabilang aniya sa mga libreng bakuna ang BCG, Hepatitis B, Pentavalent, PCV, Oral Polio, and MMR vaccines.

“Pumunta lang po kayo sa ating mga government hospital or health center para rito,” ang sinabi ni Castro.

(CHRISTIAN DALE)

85

Related posts

Leave a Comment