IKINASA na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa posisyon ng Associate Justice ng Supreme Court (SC) na mababakante sa pagreretiro ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier.
Ayon sa JBC nitong Lunes, maaaring tingnan sa kanilang website ang mga requirement at iba pang detalye para sa mga gustong mag-apply.
Maaari ring magsumite ng aplikasyon online sa JBC Online Registration and Application System (ORAS). Sa Oktubre 1 ang deadline ng aplikasyon.
Magreretiro si Lazaro-Javier sa Nobyembre 16. Siya ang namuno sa 2025 Bar Examinations at nagsilbi rin bilang vice chairperson ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary.
Bago siya naging SC justice, naging justice siya ng Court of Appeals (CA), kung saan wala siyang naiwang nakabinbing kaso.
Samantala, magreretiro rin sa Nobyembre 6 si Chief Justice Alexander G. Gesmundo, ang ika-27 punong mahistrado ng bansa, dahil aabot na siya sa 70-taong gulang na retirement age.
(JULIET PACOT)
54 