Atty. Angeles duda sa iniyabang na 287 solons SUPORTA SA SPEAKERSHIP BID NI ROMUALDEZ ‘DI SOLIDO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DUDA si dating Press Secretary at political analyst Atty. Trixie Cruz-Angeles sa pinalalabas ng House of Representatives na 287 sa 317 mambabatas ang lumagda sa manifesto of support para manatili si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker sa 20th Congress.

“There is no such 287,”pahayag ni Angeles sa isang panayam.

Ipinaliwanag ni Angeles na ang hindi paglagda ni Cebu Rep Duke Frasco sa manifesto of support ay malinaw na indikasyon na may mga mambabatas ang hindi na nakalinya sa liderato ni Romualdez.

Si Frasco na Deputy Speaker sa 19th Congress ay mula sa maimpluwensyang political figure sa Cebu City, mayroon din itong malawak na suporta mula sa Visayas at Mindanao Bloc.

“Frasco’s refusal to sign speaks volumes. If the Speaker truly had a lock on 287 members, the absence of one name wouldn’t have sparked this much noise,” pahayag ni Angeles.

“But the moment Frasco stood his ground, it became obvious—Romualdez’s support base is no longer as solid,”dagdag pa nito.

Una nang ipinaliwanag ni Frasco na ang kanyang desisyon na hindi suportahan ang ikalawang speakership bid ni Romualdez ay resulta ng konsultasyon mula sa local leaders sa Visayas at Mindanao na karamihan ay dismayado na sa paraan ng pamumuno ni Romualdez.

Giit ni Angeles, mayroon nang “internal faction” sa Kamara at ang dating solidong suporta ng mga mambabatas kay Romualdez ay wala na.

“There’s a growing signs of division within the House of Representatives. There’s a growing resistance. There’s a ‘filibustero’ in the House,” paliwanag ni Angeles.

Ayon kay Angeles, taliwas sa ipinalalabas ng Kamara ay kitang-kita na hindi na ganun kasolido ang suporta ng mga mambabatas kay Romualdez kaya naman walang kasiguruhan na ito pa rin ang mahihirang na House Speaker.

Matatandaan na dalawang araw pa lamang mula nang matapos ang May 12 election ay pinapipirma na sa isang manifesto of support ang mga incoming congressmen para sa Speakership bid ni Romualdez.

133

Related posts

Leave a Comment