TRIBAL CHIEFTAIN NILIKIDA

AGUSAN del Sur – Nalagutan ng hininga ang isang pinuno ng tribal group makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Trento sa lalawigang ito, iniulat ng pulisya nitong Martes. Inaalam pa ng mga tauhan ng Trento Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek na responsable sa krimen. Kinilala ng mga awtoridad biktimang si Romulo Duron, residente sa Purok 7, Brgy. Paradise ng nasabing bayan, tribal chieftain ng Sta. Josefa, Agusan Del Sur. Ayon sa ulat, pinagbabaril ng mga suspek na nakasuot ng ski-mask. sa likurang bahagi…

Read More

2 NPA NALAGAS SA ENGKUWENTRO

npa

ZAMBOANGA del Sur – Napaslang ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army sa lalawigang ito, ayon sa ulat ni Lt. Col. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command nitong Martes. Ayon kay Lt. Col. Encinas, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng Army 53rd Infantry Battalion nang masabat ang mga rebelde sa Sitio Pisyo, Barangay Balonai, Midsalip, Zamboanga del Sur bandang alas-11:05 ng umaga. Tumagal ng halos kalahating oras ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde. “Pursuit and…

Read More

2 KULONG SA PAGTATAPON NG DUMI NG TAO

DAVAO del Sur – Kalaboso ang driver at helper ng truck na pagmamay-ari ng isang plumbing services nitong lungsod, matapos mahuli akto habang itinatapon ang kargang dumi ng tao sa isang bakanteng lupa sa Brgy. Tagabuli, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Lunes. Kinilala ni Major Crisaldo Gaila, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang mga suspek na sina Robert Alegria, driver, at Albert Alegria, helper, kapwa residente ng Barangay 76-A, nitong lungsod. Sinabi ni Gaila, nakita mismo ng security guard na si Elizardo Bacon, ang truck…

Read More

Natanggap na SAP subsidy, ipinangsugal 4 BFFs TIKLO SA MAHJONG

LAGUNA – Huli sa akto habang nagma-mahjong ang magkakaibigan sa isang bahay sa Brgy. Prinza sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, na pawang nakatanggap umano ng ayuda mula Social Amelioration Program ng DSWD. Kinilala ni Mark Julius Escobar, acting chief of police ng Calauan, ang mga arestado na sina Aldrien Platero, 27; Michael Patriarca Cerilo, 27; Rinia Marlveda, 33, at Magdalenan Patriarca, 55-anyos. Kumpiskado mula sa mga suspek ang mahjong set at P257 cash na kanilang taya. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 11332 (Mandatory Reporting of…

Read More

NCR, 2 PANG LUGAR, INILAGAY NI PDU30 SA MODEFIED ECQ

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Capital Region at dalawang lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic. Maliban sa Metro Manila, inilagay din sa modified ECQ ang Laguna at Cebu CIty matapos ang May 15. Ang mga rehiyon na nasa ilalim ng GCQ matapos ang May 15 ay kinunsidera naman sa ilalim ng moderate risk . Ito ay ang Region II, Region III, Region IV-A maliban sa Laguna, CAR, Region VII maliban sa Cebu, Region IX, Region XI at Region XIII (CARAGA).…

Read More

SANA NGA PAGSUBOK LANG

PUNA

HANGGANG ngayon, nag-iisip tayong mga Pinoy kung pagkatapos ba nitong ipinatutupad na social distancing at enhanced community quarantine (ECQ) ng pamahalaan sa layunin nitong labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay babalik   kaagad ang buhay natin sa normal. Matagal-tagal din nga namang nanatili sa bahay ang maraming Pinoy bilang pagtulong at pagsunod sa kautusan ng pamahalaan  subalit marami pa rin ang naging pasaway na bagaman may ipinatutupad na lockdown ay marami pa rin ang laman ng lansangan. Kaya naman patuloy ang pagdami ng mga nagpopositibo sa kaso ng…

Read More

CHINESE NAMAMAKYAW NA NG LUPAIN SA PINAS?

DPA

HINDI pa man naisasabatas ang panukalang payagang magkaroon ng 100 ‘percent ownership’ ang mga dayuhan sa Pilipinas sa negosyo at ari-Adrian ay may balitaan na kaagad tayo na namimili na ng lupain ang mga Chinese sa mga probinsya. Sa impormasyong nakarating sa inyong DPA as in Deep Penetration Agent, maraming Chinese ang naghahanap ng mga lupang maaari nilang bilihin kahit wala pang kasiguraduhan kung maipapasa ang panukalang ito sa Kongreso. Medyo nakababahala ang sitwasyon dahil mangangahulugan ito na tataas ang presyo ng mga lupa sa mga probinsya at ang dehado…

Read More

Alok ni PDuterte P2-M SA ULO NG TOP NPA COMMANDERS

NAG-ALOK ng P2 million reward o pabuya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa indibiduwal na makapapatay o makapagtuturo sa hideout ng top New People’s Army (NPA) commanders. “Kapag nakapatay kayo ng commander, nakaturo kayo kung saan natutulog iyong commander, sabihin niyo sa akin. P2 million ang reward ‘pag top commander,” ayon kay Pangulong Duterte. Inulit ng Pangulo na “P2 million kung sino makaturo sa Army o police. Kung commander na mabigat, may hati ka diyan sa pera.” Sinabi ng Chief Executive na ang recipient ng pabuya ay kaagad na…

Read More

PDU30 SA PUBLIKO: LAGING MAG-FACE MASK AT PAIRALIN ANG SOCIAL DISTANCING

FACE MASK-2

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag kalimutang magsuot ng face mask at sundin ang social distancing rules kahit ilan sa mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng ‘less strict general community quarantine.’ Binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang public address na nananatili pa rin kasi ang banta ng virus. “The easing up of the restrictions, hindi ‘yan sabihin na wala na ang COVID. Just because we allowed certain people, dahan-dahan lang para hindi tayo madapa.  We cannot afford a second or third wave…

Read More